Tuesday, October 23, 2012

segunda manong upuan


ikaw ay nakilala
nang ako ay mapadpad sa Dapitan
ang ganda mong pagmasdan
walang bahid ng dati mong pinagmulan

pininturahan
nagmukhang bago
binarnisan
nagiba ng anyo

tatlong taon ang lumipas
ikaw ay nagbakbak
tunay na kulay ay lumabas
parang ahas na nagpapalit ng balat

ang kahoy mong sandalan
kinakain na ng amag
ang parte mo namang bakal
ay unti unting nang kinakalawang

No comments: