Tuesday, October 23, 2012

tuldok


Ang nakaraan, iniiwan

Kinakalimutan

Tapos na,

at hindi na kailangang balikan



Gaya ng

damong natuyo


Dinadala ng hangin

Hindi natin alam kung saan



Lumilipas, dumadaan

Pinipigil ngunit minsan ay makakalimutan



Isang kahapon,

Dumaan na panahon

Kusang tinutuldukan



Dinaanan,

Nilayo sa isipan.



Sabi mo ako ang iyong nakaraan

Siya ang ngayon,

Siya ang bukas.

No comments: